ilang beses na bang nag-SONA ang pangulo natin ngayon?
sa buong termino niya ay taon-taon siyang nagso-SONA. SONA na puro pagyayabang, puro pangako, puro kalokohan...
at ilang taon na rin bang sinasabayan ng rally ng mga militanteng grupo ang SONA ng pangulo?
hindi pa ba tayo nagsasawa sa mga paulit-ulit na pangyayaring iyan?
magbabanggit ng nagawa 'kuno' pero sa totoo ay wala naman. o kung hindi naman wala ay hindi naman talagang ganon kalaki ang nagawa niya upang ipagyabang.
sa darating na SONA asahan na natin ang mga bagay na ito na ipagyayabang muli ng ating pangulo:
1. power subsidy
2. 1.50 roll back on oil products dahil nagmakaawa siya
3. 7.3% GDP increase daw
4. pagtaas ng ekonomiya na hindi naman natin maramdaman
5. pagdami 'kuno' ng investors na gobyerno lang naman ang nakikinabang
6. pagkapanalo ni pacquiao
7. pagbabago ng miyembro ng gabinete
8. pagbaba sa sentensya ng isang OFW sa middle east
at marami pang mga imahinasyon at kayabangan na 'di natin alam kung totoo.
sa mga taong manonood ng SONA ng pangulo, sana po ay maging mapagmasaid tayo.
sana ay hindi tayo basta-basta maniwala o magpadala sa mga sinasabi ng gobyerno, tandaan po natin, WALANG MASAMANG TAONG UMAAMIN NA MASAMA SIYA.
sa darating na SONA, bawat sasabihin ng pangulo ay tanungin natin ng:
1. ano?
2. saan?
3. kailan?
4. paano?
5. gaano?
upang malaman natin kung totoo talaga ang mga ito at hindi imahinasyon lamang....
Wednesday, July 23, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment