Friday, July 18, 2008

MV Princess of the Stars

isa pa sa hindi mamatay-matay na isyu ay ang aksidente ng MV Princess of the Stars ng Sulpicio lines..

sa palagay ko, walang ibang may kasalanan sa pagkamatay ng daan-daan nating mga kababayan kundi ang kapitan ng barko at ang mga kawani mismo ng MV Princess of the Stars.

una, bago pa man maglayag ang barko ay mayroon ng storm warning signal sa romblon. hindi na dapat pinayagan pa ng kompanya na maglayag ang barko dahil alam naman nilang dadaan ang naturang sasakyang pandagat sa lugar kung saan dumaan ang bagyo, ngunit hindi ganoon ang nangyari.

pangalawa, kung nakapaglayag man ang barko, dapat ay niradyuhan man lamang ng mga nasa port ang kapitan ng barko na huminto muna sa pinakamalapit na isla upang hindi na nito masalubong ang bagyo. ngunit ayon sa safety officer ng kompanya, hindi niya niradyuhan ang kapitan, ito ang kinaluha ng isang BMI member. naturingan pa naman siyang SAFETY OFFICER, dapat alam niya kung ano ang dapat gawin sa tamang oras at tamang paraan.

pangatlo, makailang ulit na palang naaaksidente ang mga barko ng sulpicio, hindi man lamang ba sila nadala o natakot na baka maulit na naman ang mga aksidenteng iyon? dapat ay mas siniguro na nila ang kaligtasan ng kanilang mga barko upang hindi na muli maulit ang mga ganong bagay...

at huli, ang kaisa-isang mali sa coastguard, dapat kung masama ang panahon, at kahit anong storm warning signal number pa ang meron sa bansa ay walang pinapayagan na barkong lumayag upang masiguro ang kaligtasan ng marami...

No comments: