Sa mga nakaraang araw, madalas na laman ng balita ang pagsulong ng mga taga-pagbatas natin ng Reproductive Health Act. Kaugnay nito, ang pagbatikos ng mga paring katoliko sa mga nagsusulong nito.
Ayon sa mga pari, hindi raw nila bibigyan ng komunyon ang mga ito. Sa madaling salita ay gagawin nilang ex-comulgado ang mga tao sa likod ng batas na ito. bakit? kinatatakot nila na maging legal ang abortion. gayong maliwag naman na sinasabi na ang batas na ito ay hindi nangangahulugang gagawing legal ang abortion. gusto lamang ng batas na ito na gawing mandatory ang pagbibigay ng pondo sa pamimigay ng libreng contraceptives. wala naman nabanggit na gagawing legal ang abortion. ngunit bakit nagiging over reactant ang mga pari?
hindi na ba maaaring gumawa ng batas ang mga mambabatas na alam nilang magpapaganda sa buhay ng mga nasasakupan nila? para saan pa ng demokrasya sa ating bansa kung sa lahat na lamang ng gagawin ng mga tao ay may nakahadlang?
meron pa nga ba tayo ng tinatawag na freedom to choose? freedom to decide? and religious freedom?
sana ay maipakita ito ng mga taong namumuno sa simbahan gayon na rin sa pamahalaan...
Friday, July 18, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment