Ano ba ang Global Warming?
Halos sa buong mundo may mga ads na nagsasabing "HELP STOP GLOBAL WARMING".
pero, bago natin pigilan ang isang problema, dapat ay alamin muna natin kung ano ito, ano ang mga sanhi nito at ang mga maaaring epekto nito.
Ang Global Warming ay ang pagkaipon ng greenhouse gases sa atmosphere ng mundo. ang global warming ay parang worst greenhouse effect.
Ano ang greenhouse effect? sa malalaking hacienda o mga flower farms kadalasan makikita ang greenhouse. ito ay parang isang bahay na gawa sa salamin. bakit salamin? dahil sa salamin ay makakatagos ang ilaw o sinag ng araw. ang mga halaman ay nangangailangan ng sinag ng araw upang gumawa ng pagkain at magdevelope. sa processong ito, hindi lahat ng sinag ng araw na tumatama sa halaman ay inaabsorb nito, ang mga sobrang sinag ng araw ay ibinabalik ng halaman o ung tinatawag na reflection. sa prosesong ito, nakakabalik ang araw palabas ng greenhouse at ang tamang kailangang init ay naiiwan sa loob.
ang tinutukoy kong worst greenhouse effect ay ang hindi na pagbalik ng init ng araw palabas, bagkus ay nakukulong ito sa loob ng greenhouse. kung ganito ang mangyayari ay matutuyo ang mga halamang hindi kailangan ng sobrang init.
ganoon rin ang nangyayari sa Global Warming, kapag dumami ang bilang ng greenhouse gases sa atmosphere ng mundo, makukulong ang init sa loob ng mundo at hindi na makakalabas. kapag nangyari iyon ay masyadong magiging mainit sa mundo. at sa sobrang init ay pati mga yelo sa antartic at atlantic oceans ay matutunaw. sa laki ng mga yelong ito ay maaaring lumubog lahat ng maliliit o malalaking isla sa mundo, at iyon ay hindi maganda dahil lahat ng nilalang sa lupa ay mamamatay.
ANO ANG SANHI NG PAG-ACCUMULATE NG GREENHOUSE GASES SA ATMOSPHERE?
isa na rito ay ang pagsusunog.
ang pagsusunog ng kahit na anong bagay ay nagpapadagdag sa dami ng greenhouse gases sa atmosphere. ang hindi alam ng ilan, tuwing magsusunog ay naglalabas o nag-eemit ng Carbon monoxide, Carbon dioxide at iba pang nakakasamang hangin.
MGA URI NG PAGSUSUNOG:
1. paggawa ng uling
2. pagkakaingin
3. pagsunog ng plastik, papel atbp.
ang mga nabanggit ay ilan lamang sa uri ng pagsusunog na malaki ang naibibigay o naidadagdag na greenhouse gases sa atmosphere...
TANDAAN: prevention is better than cure.
kung habang maaga say maiiwasan natin ang pag-accumulate ng greenhouse gases sa atmosphere ay maiiwasan din natin ang malaking pinsalang dulot ng global warming...
Thursday, July 24, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
1 comment:
ang galing po ninyong mag labas ng inyong mga saloobin.. tanx po nakatulong po kayu sa amin mga nagaaral
Post a Comment